take a peek…

inside eduardo lorenzo and his thoughts

The Haunted Jeep

Isang gabi.. nahihirapan na akong sumakay ng jeep pauwi sa amin. Halos lumuhod na ako sa lansangan.. para magdasal upang padalhan ako ng isang jeep na masasakyan. Di ko nga mawari kung bakit ganun, mahirap sumakay, wala naman espesyal sa gabing iyon. Oo, malamig ang hangin.. Enero eh. Oo, medyo madilim mula dun sa terminal, kasi naman di yata nila binabayaran. Pero ok lang, maliwanag naman ang bilog na buwan.

Medyo kita naman mga signboard ng mga dumadaang jeep na lahat ay puno ng pasahero at di ako makakasingit malamang. Tsaka, di naman talaga kailangan makita ang signboard dahil iisang byahe lang naman lahat ng jeep papunta sa amin. Karamihan nga walang signboard mga jeep eh. At yun nga mga iniintay ko dahil kabisado ko sila kung bumyahe. Nagpupuno sila sa terminal, tapos may mga kantong pili na nila at dun lang sila nagsasakay. Mas mabilis ang byahe kapag ganun.

At yun, swerte naman, mayroong dumaan na isa. Ayan! Walang signboard! Patay ilaw sa loob! Eto na yun!

Nag menor ang jeep sa tapat ko at tulad ng dati, hinabol ko ito para makasakay.

Sa aking pagkagulat.. anim lang kaming laman sa likod.. maluwag. Dagdag pa sa gulat ko ay naramdaman kong parang magkakakilala sila at nagtitinginan sila habang isa isa silang tumitingin sakin.

Di ko pinansin, ganun talaga, nagulat siguro kasi halos paandar na yung jeep bigla akong sumakay, baka napagkamalan akong mandurukot.

Dumaan ang ilang minuto at ilang kanto.. may napansin ako. Dire-diretso ang jeep, mabilis ang andar. Pumapasok ang malamig na hangin ng gabi. Hindi nagsasakay ng pasahero sa mga regular na sakayan. At sa bawat minutong lumilipas, pinapakiramdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin. Nararamdaman kong lahat ng pasahero ay nakatinign sa akin kaya’t sa labas na lang ng jeep ko itinutok ang aking mata.

Pagkalagpas sa isa pang sakayan na nilagpasan, ihinanda ko na ang aking pambayad. Paglingon ko at tahimik lang na nagmamaneho ang tsuper. Dito ko napansin na magmula kaninang pagsakay ko ay wala pang ibang nagbabayad. Nasa dulo ako, iaabot nila ang bayad ko. Pinilit kong eksakto ang iaabot na barya para wala nang sukli.

Sa aking pagyuko upang iabot ang bayad, dahan dahang lumingon sa akin ang katabi kong babae. May edad na siya. Mahaba ang kanyang pinaghalong itim at puting buhok. Bakas sa mga kulubot ng kanyang mukha ang mga taong lumipas. Habang natatakpan ng kanyang buhok na tinatangay ng hangin ang kanyang mukha.. tinapik nya ako at kinausap.

“Iho, wag ka na magbayad. Pero kung ako sa iyo, bumaba ka na agad.” sabi nya.

Agad bumilis ang tibok nang aking puso nang mapansin kong lahat ng pasahero sa loob ng jeep ay sabay sabay na nakatitig sa akin at wari ba ay nakangiti at inaabangan ang aking gagawin.

“Bakit po?” ang tanong ko sa matanda.

“Arkilado namin to.. tanga!” sabi nya.

Ayun! Kaya magmula noon, lahat ng nakabasa ng istoryang ito.. sa kanyang paguwi.. ay nagkakamali ng sakay ng jeep.

Advertisement

January 14, 2011 - Posted by | Uncategorized

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.