PokVille
Sa totoo lang, ayaw kong simulan ang chapter na ito.. pero sa tingin ko, paglaki ng mga anak ko, at wala na ako, makakatulong ito sa kanilang pagbabalik-tanaw sa History ng Kultura ng Mundo nang ako ay nabubuhay pa.
Mukha + Libro = Facebook!!!
Ngayon ay Enero 2010, kung ikaw ay sa isang liblib na gubat nakatira, maiintindihan ko kung wala ka pang facebook account. Wala ata akong kilalang walang account o hindi man lang naririnig ang website na kung tawagin ay FaceBook. Syempre ako din, mayroon account. Ano ang nagustuhan ko sa FaceBook o FB(para sa mga tamad magsalita) o Pesbuk para sa Masa? Marami! Bukod sa nakakausap ko (chat) ang aking mga kamag-anak sa ibang bansa ng mas mura kaysa overseas na tawag sa talepano, marami itong mga Applications o mga laro na ikinatutuwa ko. Bilang isang programer, ikinatutuwa ko ang mga ito. Pero bilang isang ordinaryong tao.. nakakasura na rin minsan ang dami ng mga bil-bil ng facebook.
Bil-bil? OO! Farm-bil, Fish-bil, at kung ano-ano pang mga bil-bil. Hmmm.. programmer nga pala ako ano? Sige, kung ako ay isang programmer para sa pesbuk, ano ang bil na idadagdag ko?
Pok-Ville – dito ikaw ay magsisimula bilang isang simpleng bugaw na nag-aalok ng mga pokpok, kaya nga PokVille. Sa una ay sa tabing kalye o bangketa ka lang magtitinda ng aliw. Sino ang mga una mong pokpok? Eh di ang mga friends mo din sa pesbuk! PERO.. kailangan payag sila. Kaya kung gusto mong gawing pokpok ang boss mo na friend mo naman sa pesbuk, magsesend ng notification syempre na parang…
“Edu wants to sell your body in PokVille!!!” tapos “Accept” lang ang button.
Bukod sa mga friends mo, pwede ka rin mag-dagdag ng pokpok sa ibang paraan.. pero kailangan level 10 ka na.
Ang level 10 ay maabot kung may sampung puta ka nang ibinebenta sa tabing kalye para sa iyong mga parokyano.. Sino ang parokyano? Friends mo din! Tapos may lalabas din na notification..
“Edu just bought and had sex with **** on PokVille!!!”
Ang ikalawang paraan ng pagdagdag ng mga pokpok ay ang kunwaring pagpunta sa probinsya at mangangako ka sa mga babae dun na bibigyan mo sila ng trabaho bilang saleslady sa isang mall. Pero gagawin mo silang pokpok pagdating sa Pokville. Sa level 10 ka lang makakakuha ng pamasahe patungong probinsya.
Sa Level 20 naman, kung lampas 15 na ang iyong mga pokpok, papayagan ka nang gumamit ng tinatawag na photo album kung saan makakapili ang iyong mga kliyente buhat sa mga litrato o avatar ng friends mo sa pesbuk na ginawa mong pokpok. Ang pinakamabentang pokpok.. may notification din!
“Edu should now change his name to Kuracha for being sold 5times in one night on PokVille!!!”
Pag nagtaas ka pa ng level, pwede ka nang magbenta ng babae sa Beerhouse. Pagkatapos non ay maari ka nang maging isang Mama-San kung saan naman ay regular na kayo sa sarili mong beerhouse.
Sa level 30 naman, ay makakakuha ka na ng isang maliit na apartment kung saan magagamit mo ang PokVille points, XP at cash para bumili ng Condom, Tubig, Iba’t ibang uri ng kama mula banig, folding bed, katre hanggang Queen-sized waterber, bentilador, aircon etc. para pagandahin ang iyong bahay pokpok.
Pwede rin mag-expand! Ipa-aircon bawat VIP room! Nga pala.. pwede mo rin i-visit ang bahay-pokpok ng friends at neighboors mo sa PokVille.. sa bawat bisita, maari mong tikman ang kaniyang piiinakasikat na pokpok ng libre. Maari kang mag-iwan ng tip o hindi. Depende sa lalim ng bulsa mo iyon.
Oh diba! Patok siguro ang PokVille.
Hahaha. Ang dami kong tawa.
Loko ka talaga! Hahahaha! Cge gawa na ng Pokville!
nice idea edu! hahaha!
galing mo talaga master edu! wahahaha…