Obvious Ba?
Hay.. matagal din ang panahon na dumaan bago ko muling nasilip ang blog kong ito.. tapos ang makikita ko pa eh ang comment na wala daw kwenta.. binasa naman! Mayroon talagang ganyang mga uri ng tao.. yung nakita na, kailangan pang sabihin o tanungin. Obvious ba?
Tawagin natin silang mga OB (Obvious Ba?) na tao. Sana ay maging masaya na sila sa katagang iyan, mas mabango naman kaysa sa BO o Bad Odor o Body Odor. Sa ibang chapter ko ilalagay yan.. may kakilala kasi ako, sa baho ng hininga niya, mas inaabangan ko pa ang utot nya.
Mabalik tayo ke OB. Ganun talaga sila eh, yung mga tipong nakita na, obvious na, eh sinasabi pa. Try mo sila tanungin, tignan mo, halatang may problema sa protina.
Halimbawa, tatlo dapat kayong may lakad. Magkikita-kita kayo sa isang mall kunwari. Punctual naman siya at sa katunayan nga ay siya ang unang dumating eh, ikaw ang pangalawa. Syempre ano ang unang salitang lalabas sa bibig mo? “San na si pangatlo?” di ba? Ewan ko ba kung nabagok ang ulo nya nung bata pa sya o kulang sa protina ang iniinom niyang gatas pero parang ang tagal bago dumating sa utak niya ang katotohanan na obvious naman na. Sukat ba namang sagutin kang “Wala pa eh.” Batukan mo kaya? Kita namang wala pa.. sasabihin pa! Ang tanong mo naman eh nasaan, hindi kung nandoon o wala! Aysus!
Eh di magkikita na nga kayo at darating na si pangatlo. Lakwatsa time na.. tapos biglang may nadulas na babae sa harap ninyo. “Uy! Pre nadulas yung ale oh!” hay nako.. nakita mo naman. Siguro hindi carry ng utak niya na maari mo ring makita iyon at hindi siya lang ang pinagpala ng Panginoon ng kakayahang makakita. Nakaktuwa talaga minsan.. sarap dagukan.
Ang pagiging OB naman ay mayroon ding mga antas, yung iba ay kaunti lang o ’slight’ lang. Yung iba naman malala. As in malala na talaga. May pagkakataon na yung malalang OB ay nakatapak ng tae, at patuloy siyang naglakad kayat tumalsik sa likod ng kanyang binti ang tae. Pagtingin nya, nakita naman niya yung natapakan nya, sinabi na ng mga mata nya sa utak nya na tae yun. Tinignan nya yung tumalsik sa binti nya. Nakita naman nya at sinabi na rin ng mga mata nya sa utak nya na tae nga yun. Sukat ba naman punasin ng kamay! Tapos.. inamoy! Taeng-inamoy naman naman naman!!! Kulang pa ba? wala ka bang tiwala sa mata mo? Hindi ba umabot sa utak mo ang signal na tae nga yun? O talagang gusto mo lang na lumalanghap ng tae?
Yan yung malala na talaga. Pero may mas malala pa.. sobra na ang lala. Yung OB na ito, OB na, ewan ko ba.. Bugok pa yata. Kung ako eh magkakamali, sisiguraduhin kong hindi naka-record. At hindi pwedeng makita ng ibang tao. Nakakhiya eh diba? Mag-comment ba naman ng OB sa blog ko! Akala nya idedelete ko kasi negative. hehehe.. eto nga naging inspirasyon ko pa para sa isang bagong kabanata.
Kadalasan ay itinatanong ko sa sarili ko kung ano ang dahilan ni Lord para payagan nyang magkaron ng mga ganoong uri ng tao, ang mga OB. Pero ngayong araw na ito, nalaman ko na hindi rin naman pala sayang ang oxygen na pumapasok sa baga nila, pwede rin pala silang maging inspirasyon ng isang chapter sa blog. Salamat kaibigang OB. Kung nasaan ka man, nandyan ka.. obvious ba?
anu ba yan du, 2nd paragraph pa lang ako humagalpak na kagad ako ng kakatawa
may (bad) experience din ako sa mga taong OB. nung highschool ako, nadulas ako pagbaba ng jip (alam ko nakakatawa, mukhang tanga talaga). e sakto sa putikan pa ko bumagsak. and to make it worse, naka-white pants pa ko! (pramiz hindi ito imbento). sobrang badtrip akong naglakad papasok ng subdivision pauwi. paglagpas ko sa guardhouse, sumigaw ung guard sakin ng, “miss ung pantalon mo ang daming putik, oh!” sabay turo ng daliri nya sa pantalon ko. putik talaga! at putik din cyang gwardya cya. alam mo ang sagot ko sa kanya? “alam ko! OBVIOUS BA???”
hahahahahahaha para bang pag papasok ka sa isang karinderya at tatanuningin ka ng babae dun… “Sir / Maam kain po kayo?” wahahahahahahahaha kaloka to the nth level!
i just added a friend in facebook then another friend saw my update asks if i know the recently added friend, i sent this blogpost, wakekekeke
hahaha.. well I hope that friend enjoyed reading my blog..
eto pa isang OB na sitwasyon…kapag may kasama kang naglalakad, at natapilok ka, at napadapa ka, usually tutulungan ka ng kasama mo, sabay tanong ng “o, anong nangyari sayo??” HAHAHAHAHA! pota obvious ba???