take a peek…

inside eduardo lorenzo and his thoughts

Ako pala ang taya???

Hapon na.. kagagaling ko lang sa labas.

Hinahanap ko kanina ang mga anak ko, tatlo sila. Yung bunso karga ng yaya nya pero yung dalawang mas matanda hindi ko makita. Naka-ilang ikot na ako sa compound namin, medyo malaki din at maraming bahay paupahan, pero hindi ko sila makita. Ikot, hanap, hanap, ikot. Kinatok ko ang ilang bahay na alam kong madalas nilang pinupuntahan dahil doon nakatira ang kanilang mga kalaro.

Nag-aalala na ako, kasi nakita ko kanina bukas ang gate, di ko alam kung sinong bugok nag-iwan na bukas ang gate, pag nalaman kong lumabas sa kalye mga anak ko dahil nakabukas ang gate me malutong na kaltok sakin ang nag-iwang bukas nun.

Hanap pa rin, talagang ninenerbyos na ako.. nang biglang..

“Pung ethan! Pung buboy!” sumigaw ang isa sa mga batang anak ng nangungupahan sa amin…

Anak ng p*%t$!!!!!! naglalaro pala sila ng taguan! Ako ang taya! Buset…

January 24, 2009 - Posted by ezlorenzo | 1 | | 2 Comments

2 Comments »

  1. Just dropping by.Btw, you website have great content!

    ______________________________
    In Only 3½ Minutes, You Can Quickly And Easily Crank Out A Killer Cover Letter That Is Guaranteed To Have Your Phone Ringing Off The Hook With Hot Job Interviews And Top Job Offers… Without Writing One Word!

    Comment by Suzuki | March 3, 2009 | Reply

  2. very funny, ;p

    Comment by joeycalisay | April 2, 2009 | Reply


Leave a comment