Bibo
Sa aming mundo ng computer programming.. mayroon kaming katangang pinaniniwalaan. GIGO o Garbage In, Garbage Out. Ito ay ginagamit upang ipaalam sa gumagamit ng program namin, na huwag kang umasa na maayos ang lalabas na data kung sablay ang input mong data. Ganyan marahil ang dahilan kaya’t kapag computer programmer ang tinanong mo.. ng kahit ano.. kapag Bulok ang tanong mo.. Bulok din ang sagot.. kaya BIBO.
“may daan ba dito papuntang airport?” – anak ng pating naman. Wag mo ako tanungin nyan dahil lahat ng lugar ay may daan papuntang airport! Kahit nasaan ka.. makakarating ka dun! Ilang beses na ba ako natanong nito? hmm.. aba madami na rin at tiyak ako na kasingdaming beses na rin iyan naiaong sayo. Nakakapikon yang ganyan.. lalo na pag araw-araw ka tanungin ng ganyan.. peste. Me gamot ba sa tanga?
“san ako bibili ng biogesic?” yan ay hindi gamot sa tanga.. pero kung pwede lang.. gamutin na ang mga nagtataong nyan. Alam ko naranasan mo na to. Me inutusan kang bumili ng pandesal, sagutin ka ba naman ng “saan?” ampf!!! Sa bumbero? Sa beauty parlor? Sa morgue? aba syempre sa bakery! nakuuuuuuu talaga naman ang tao oo! Parang sira!
“Ano po ang sira?” – I swear, kapag ako nagpunta sa pagawaan ng kahit ano.. kunwari TV, Radyo, Erkon, Selpon o ano pa.. kapag ako tinanong nyan.. ibig sabihin nun BIBO yung nagtatanong kaya hindi ko na ipapagawa. Syempre, me dala akong sirang TV.. ipapagawa ko nga eh! Tanungin ba naman ako kung ano ang sira? Eh kung alam ko ang sira ng pesteng TV na yan.. eh di sana ginawa ko na! Tapos isa pang ka BIBO-han.. pagkatapos naman magawa.. sasabihin sayo “me pumutok po na capacitor kaya yun ang pinalitan.” o diba? Gumagana na nga. Eh ang tanong ko naman.. yun bang pyesa na nagpaputok dun sa capacitor eh pinalitan mo rin? Simple lang ang tanong ko.. oo, pumutok nga, ano ang nagpaputok? Kasi.. baka lang ha.. isip ko lang.. hindi naman sigurado.. baka kasi pumutok ulit yung nilagay mong capacitor kung andun pa yung dahilan kung bakit pumutok yung una diba? diba? DIBA!?? pati mekaniko ganyan eh..
“Boss ayaw umandar?” HINDE! Trip ko lang talaga pumarada sa init ng araw..buksan ang hood ng kotse ko at ibilad ang sarili ko! Ano sa tingin mo ako.. isang uri ng masokistang baliw? Kung umaandar tong kotse.. sinagasaan na kita! Pero buti na lang hindi umuulan.
“Umuulan sa labas?” Oh? Di nga? nagtataka ka dahil umuulan sa labas? Pag umulan ba sa loob di ka magugulat? paulanan ko ng kaltok ulo mo gusto mo? Para makita mo hinahanap mo.
“Nakita mo ba yung tsinelas ko?” OO! KAHAPON! buset! Kung alam ko kung nasaan tsinelas mo eh naihampas ko na sayo.
eto ang isa sa nakaktuwa lang pero hindi ka BIBO han.. baka narinig mo na tong tanong na to..
pag magbayad ka sa jeep mag-abot ka ng beinte pesos.. tatanungin ka.. “Ilan tong bente?” hehehe..
“kakainin?” yan! paborito ko yan! Bibili ka ng lugaw.. sasabihin mo ‘ate isang lugaw nga’ tapos tatanungin ka kung kakainin mo! WOW! ano yun? bibilihin ko tapos itatapon? pakshet.
Mayroon din namang mga katanungan.. na sa tingin ko ay itinago ng tadhana ang mga sagot..
“Paanong dumadami ang mga bakla? Di naman sila nabubuntis!”
“Pano mo nalaman na ayaw mo kumain ng ipis?”
“Mabaho.. amuy patay na daga. Yung buhay ba mabango? May patay bang mabango?”
“Bakit may susian ang pinto ng 7-11?” isinasarado ba yun?
“Ang pagkabaog ba, ay naipapamana ng ama sa anak?”
at ito na ang piiiiiiiiiiiiiiinaka matindi sa lahat.
Hamlimbawa eh naglalakad ka.. tapos nauntog ka.. tatanungin ka ng kasama mo kung….. jan-jararaaaannnnnnnnn…
“masakit?”
AH EWAN!!!!
i find ur posts really funny, keep it up!