A Serious Chapter
Siguro, kung makikilala mo ako.. sasabihin mo ay kakaiba ako. Totoo naman.. lahat naman tayo ay kakaiba diba?
Trying to be a non-conformist (ika nga) just like everyone else..
Ang isa sa mga kakaiba sakin, ay kahit gaano kahimbing ang tulog ko sa bus, FX, jeep, taxi o ano mang sasakyan na hindi ako ang nagmamaneho.. hindi ako lumalagpas. Palaging nagigising ako nang eksakto sa bago ako bumaba. Ngayon.. alam ko na kung bakit.
Mahigit isang taon na ang nakaraan(April 2007).. nagdesisyon ang aking Papa na lisanin na ang ating magulong mundo. Nilabanan niya nang apat na taon ang kanyang kanser, at nagwagi siya. Pero patalikod naman siyang sinaktan ng iba pang sakit. Mga kumplikasyon a dulot ng panghihina ng kanyang katawan.
Matigas si Papa, silent type. Sya yung tipong pinapatahimik kami kahit hindi siya nagsasalita. Oo siya ang ‘disciplinarian’ sa bahay. Madalas din ako nakakatanggap ng hagupit ng pagmamahal sa kanya. Pero ngayon na may mga anak na ako, naiintindihan ko na siya. Dati oo galit ako.. hampasin ka ba naman ng sinturon, sino matutuwa dun?
Tapos yun nga.. last year, nagdesisyon sya na umalis na. At maraming mga ala-ala siyang iniwan. At ito ang isa..
Dati, tuwing may pupuntahan kami ni papa, sinasabi nya sakin na “sige matulog ka na, gigisingin na lang kita pag malapit na tayo bumaba..”
hanggang ngayon.. hindi pa rin ako lumalagpas ng baba.. alam ko.. kasi ginigising ako ni Papa. Thanks pa.
So true, Edu. I believe in you. In my case, never had I used an alarm clock, but I know that there is someone who never misses to wake me up on the dot every morning from Monday to Saturday
awww…
wala na ko masabi kundi – awww…