Chapter Ten – LABLAYP!
Hay nako, syempre hindi mawawala sa kahit saang babasahin ang tungkol sa pag-ibig, at pag-iibigan. Hoy! Wala itong kinalaman sa kamanyakang nasa isip mo ngayon! Ilalahad ko lang, ang isang maikling istoryang para sa akin, ay napakaganda… ang panliligaw at panunuyo sa akin.. ng aking esposa…
Sa larangan ng panliligaw at pag-ibig, ang aking mga kakayahan ay pareho lamang ng kahit sinong lalaking iyong kakilala siguro. Hindi naman kasi ako gwapo, hindi rin mayaman, at hindi rin ako sikat. Kaya’t kung mayroon man sigurong babaeng magkakagusto sa akin, malamang katawan ko lang ang habol.
Una akong natutong “manligaw” nung grade 6 ako. Kasi sabi ng tito ko pwede na daw ako manligaw kasi nung bakasyon bago mag-enroll ng grade 6, na “binyagan” na ako. Kaya ayun! Niligawan ko agad yung crush ko.. pinadalhan ko sya ng isang maikling love-letter para marating ko ang isang lugar na hindi ko pa nararating hanggang sa panahong iyon.
At totoo naman sa pangako ng mga diyos ng pag-ibig, may narating ako. Sa ganda ba naman ng isinulat kong english! “You change my life in a moment” ang nilagay ko… narinig ko sa radyo kasi, magandang pakinggan, english eh! San ako nakarating? Sa opisina ng Principal. Lintek na babae yun! Nagsumbong!
Pagkaraan noon ay ang pinaka-aktibong parte ng pagsibol ng romantikong buhay ng lahat ng tao.. ang haiskul. Sa haiskul kadalasan nararanasan ang tinatawag ng iba na unang pers lab. Ewan ko lang kung me ikalawa at ikatlo silang pers lab ha.. pero ako isa lang ang pers lab ko.
May mga nakapag-sabi na rin sa akin na ako daw ay kakaiba. Kaya siguro sa panahon na ang lahat ng nasa paligid ko ay may nililigawan o may nobya o syota na, ako ay WALA. Sinubukan kong manligaw pero nasiraan ako ng loob nang may maulinigan akong kwentuhan sa cafeteria ng eskwelahan namin noon.
Babae: “Huy! Nililigawan ka daw nung si Eduardo? Totoo ba?”
Nililigawan ko: “Oo, nililigawan nya ako.”
Babae: “Pogi ba?”
Nililigawan ko: “ahhmmm… masarap sya kasama.”
Paksyet! OY! OY! Basahin mo ulet ha.. masarap kasama.. hindi masarap sa kama!
Bakit parati na lang ganun? Kahit kelan itanong kung gwapo yung edu, o kung cute man lang… ang mga sagot. “Masarap sya kasama” o kaya “mahilig sya magpatawa” syet…
At dumating na ang panahon ng kolehiyo.. at dito ko nakilala si Elna. First year kami nun, sa computer lab. Nakita ko sya, kahawig ni Helen Hunt, pramis. Nilapitan ko agad ang payatot na ito at sinimulan kong kausapin. We had a lot in common, pareho kaming estudyante ng school na yun… tapos… yun na yun. Naramdaman ko na noon pa, na may nararamdaman syang espesyal para sa akin. Kasi twing nakikita nyang nakatitig ako sa kanya, parang kinikilig sya, pero huli na nung nalaman kong ang kinikilabutan pala ay iba sa kinikilig.
Liligawan ko na talaga sya dapat nun, talagang attracted ako sa mga kamay nyang parang kulay puting gagambang-banyo. At higit sa lahat, sa kanyang intelektwal na kagandahan. Beauty and brains sya… puchat… wala akong pag-asa netoh! At higit sa lahat, may nobya ako nung mga panahon na iyon. Kaya’t hindi ko siya maligawan. Hindi ko kayang gawin na pagtaksilan ang aking nobya.
At lumipas ang maraming taon… mga apat at kalahati. At nalaman ko ang pinakapangit na aspeto ng pagkakaroon ng nobyang kaklase mo rin at the same time. Nasanay kaming magkasama kami maghapon araw-araw.. magkakwentuhan pa sa jeep habang ihinahatid ko sya… magka-text pa kami habang pauwi ako.. at telebabad kapag nasa bahay na. pagdating ng graduation, magkahiwalay kami ng tarbaho. Kaya ayun nagkahiwalay kami. Pero hindi kami magkagalit. Napag-isipan kasi namin na ang tanging solusyon na lang sa aming pangungulila sa isat-isa ay ang pagpapakasal at alam namin na hindi tama ang magpakasal sa ganoong dahilan lamang.
Teka…… kung sa isip mo ngayon ay dalawa lang ang nagdaan sa aking puso, ay nagkakamali ka! Lahat ng niligawan ko, sinagot ako! HAH! Kasi bago ako manligaw, sinisigurado ko munang may gusto saken yung babae. At kadalasan dinadaan ko sa kunwaring pabiro lamang na panliligaw o panunuyo. Para kung ma-basted man, eh binibiro ko lang naman sya. At kung sagutin man, aba! eh mantakin mo yon? Binibiro ko lang eh sinagot ako?! Hanep!
Marami na rin silang aking mga niligawan.. at naging nobya. Si Mam Tina, muntik na! Si Mam Angela.. oo sandali lang. Si Veronica, sandali lang din. Si Charlene, apat na taon at kalahati. Konti lang, kung ikukumpara sa mga playboy na matuturingan. Pero ang masasbi ko lang, naging tapat ako.. tapat ako magmahal.. kung kanino ako nakatapat, yun ang mahal ko… ay! Parang mali pakinggan yun ah.
At bukod pa riyan, ay hindi ko naiwasan ang mga masasamang babae. Yung mga nang-aakit lamang para sa aking katawan.. na ibibigay ko naman, just ask nicely. Marami ring ganun, yung girls na katawan lang ang habol.. ayoko sa kanila. Bad sila.
At makalipas ang aking kolehiyo, ay kailangan ko nang bayaran ang tuition na inutang ko. Kailangan kong magturo sa eskwelahang aking pinanggalingan bilang kabayaran. At ang isa.. sa mga naging estudyante ko ay isang magandang lalakeng ang apelyido ay kapareho ng crush ko nung 1st year! Agad akong nagtanong… “Mr. Viray, may kamag-anak ka bang nagngangalang Elna Viray?” at sya naman ay sumagot ng… “Ditse ko po.”
Naglulumundag ang aking puso nang marinig ko iyon! Ang pinakahihintay at pinakahahanap kong si Elna.. maari na ulit kaming magkita! Tamang tama.. wala akong nobya ngayon! Sana wala syang nobyo. Agad kong ibinigay ang aking contact number sa kanya at kinabukasan agad ay kinontak nya ako. Sabi ko na nga ba crush din nya ako eh!
Ayun… ang mga detalye ay sa amin na lamang. Ang mga panunuyo nya, ang pagpapakyut nya saken, ang mga panakaw na sandali…. ang panonood namin ng Pearl Harbor….. lahat ng iyon ay sa amin na lang. Hehehe..
Ngayon, tatlo na ang anak namin. At tuturuan ko silang lahat kung paano manligaw.
buti nagkagusto sayo si Elna. Ano kaya pinakain mo? siguro nilagyan mo ng gayuma….:))
pucha, kapangalan ko pa yung isa ah, syet.
oo nga no. kapangalan nga. baka nga ikaw yon tina. hahaha.
)
oist edu, huwag mo i-edit ito. hahaha
Ayos sir Edu, matinik ka pala sa babae, talo mo pa ako.. Hehehe, anyway, congrats and keep it up, este, have a happy family pala.. Hehehehe..
galing u po ha,,,,,,,,,,,
k22wa po!!!
cute lve story nyu
destined po tlga keo
hindi ko matandaan kung paano ako nagawi sa “blog” na ito. ano ba ang tagalog ng blog? buti na lang may iilang mga pinoy na hindi nagpupumilit magsulat sa wikang inggles … miss ko na ang magsulat at magbasa ng mga likhang pinoy. nakakatuwang basahin ang iyong mga istorya. mabuhay ka at ang iyong pamilya!
Tagalog ng “blog”? Hawig yun sa tunog ng ulo natin kapag nahulog sa sahig diba?
Ang salitang “blog” ay pinaikling “Web Log” o isang talaan sa internet o sa web. Ang web naman ay sapot. Kapag ating isinalin ito sa wikang tagalog…
Web ay sapot, Log ay tala kaya… SAPOTALA??
Oist! anu beh itong blog na ito! Tawa ako ng tawa..funny tlg. Gwapo ka naman sir ah…remember wala sa itsura yan, nasa character! hahaha
GOD bless…
blog- talasapotan, since we always use “tala” as prefix and not suffix hehehe