Chapter Nine – Words of Wisdom
“Nasaan napunta yung bola?” ang tanong ko sa pinsan ko. “Nahulog sa hagdan.” sagot nya…. Tangna! San nanggaling yun para mahulog sa hagdan? Sa kisame?
Maraming mga salitang hindi ko alam kung paanong nabuo. Katulad na lang ng mga katagang iyan… “Nahulog sa..” Nahulog sa hagdan.. san nanggaling? sa kisame? Nahulog sa PUNO! Anak ng patatas! San nagmula? Sa ulap? Eh yung bata, nahulog sa duyan, galing sa tuktok ng aparador? Nahulog sa bintana? Mahirap ata yun. Siguro kung tumalon sa sa bubong..
Ayan, isa pa yan! Tumalon sa Bubong! Ano naman masama kung tatalon ka sa bubong? Siguro masama yun kung tatalon ka MULA sa bubong pababa sa lupa. Anak ng teteng… bakit ba ganun tayo? Hanggang sa dyaryo “Lalaki nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay” nakakamatay pala yun! Di nko tatalon sa tulay. Sa lupa na lang siguro. Alam ko yung nagpakamatay na yun, sa ilog tumalon, magmula sa tulay kaya nalunod sa tubig.
Oh, kita mo na! Sa tubig nalunod! Hindi sa lupa, hindi sa hangin, hindi sa apoy, kundi sa tubig! Ewan ko lang ha, kung ako yung nalunod na yun, mambabatok ako! Mantakin mong ikwentong sa tubig ako nalunod? Kaya mo ba malunod sa menudo? Ukinnanananananamnaman! Nalunod na inasar mo pa! kaya maraming nagmumulto saten eh. Ikaw kaya patayin kong parang ilaw?
Ang ilaw, pinapatay…. hanep! Para sakin, isinisindi ang ilaw, hindi pinapatay. Bad kasi yun, yung pumapatay. Pati nga gripo, pinapatay rin eh. Ang gara… parang… ah ewan! Tapos pag pinatay nga yung ilaw o radyo o tv, at nasira dadalhin mo sa manggagawa, at ano itatanong sayo? Isang nakakapikon na “ano sira?”
Eh tantadut kalahati ka pala kung alam ko sira nyan eh di ginawa ko na! mainit na nga ulo mo at sira ang TV mo, sayo pa itatanong kung ano ang sira? Kung yung TV na lang kaya mismo tanungin nya para magkaintindihan sila? Diba ganun ang doktor? Magtatanong sa pasyente? Tapos bababuyin naman ng pasyente ang usapan sa pamamagitan ng pagsagot ng..
“Sumasakit po kasi ulo ko kapag nagpupuyat ako eh.” Tanga ka? Eh di wag ka magpuyat! Aysus! Grabe naman minsan mga pasyente noh? kasing tanga nung doktor na nagtanong kung bakit ka nagpunta sa clinic nya. Alangan naman makipagchikahan lang at dahil trip mo lang magbayad ng pagpapagamot diba? Lokohan lang pala eh! Tapos pag-uwi mo naman galing sa pesteng doktor na lumalaban ng pilosopohan, kakamustahin ka naman ng kamag-anak mo hindi mo alam kung nangangamusta nga o nang-aasar! Mantakin mo ba naman tanungin ka kung..
“Magaling na ba ang sakit mo?” ay nako gusto kong manapok kapag ganyan! Magaling na nga talaga ang sakit ko kasi ayoko nang magkasakit kapag puro ganyan din lang aabutin ko mula sa inyong mga peste kayo. Sayang lang ang oxygen na hinihinga ninyo, sana pina-abort na lang kayo ng mga nanay nyo. Syempre dahil nag-init ang ulo mo, ipagluluto ka ng masarap na ulam na me sabaw! Tapos tatanungin ka..
“Ano ba maganda panghalo sa sinigang? Sampalok o kamatis?” Ewan ko, basta ako sandok ginagamit ko panghalo nyan! Siguro cofee mate pinanghahalo mo ng kape mo ano? Pwede naman kutsara, kutsarita, lapis, bolpen o kahit ano pero hindi ko balak gamiting panghalo ng mainit na kape ang cofee mate. At lalong hindi ako gagamit ng kamatis para haluin ang inilulutong sinigang. Eh di ayan, tapos na ang sinigang, ihahain na, uutusan ka na.
“Ipatong mo nga sa ibabaw ng lamesa ang ulam” ayos! Alangan namang ipatong ko sa ilalim ng sopa yun! Ipapatong na nga eh, sa ibabaw pa! Hay nakooooooooh!
Nakakatuwa pero nakakainis. Kung pihikan ka, mapipikon ka talaga sa paggamit natin ng mga salita. Pero kung ang pagbabasehan ay ang pinakapayak na depinisyon ng komunikasyon, ito ay ang pagpasa ng isang isipin mula sa isang tao papunta sa kanyang kausap. kaht OOOH-OOH AAH-AAH lang ang gagamitin, bastat nagkaintindihan kayo at naipasa mo ang gusto mong ipasa, nasabi mo ang gusto mong sabihin, ayos na yun may mali man o wala.
Teka, tama na ang blog na to. Sawa na manood ng channel 2 ang mga kasama ko… ilipat ko daw ang TV. Ilagay ko kaya sa kubeta?
No comments yet.