Chapter Eight – SopaTatas
Sopa, upuang mahaba. Patatas, isang uri ng gulay. “Couch Potato” isang banyagang salita na naglalarawan sa isang tao na mahilig masyado manood ng TV. Ako yun!
Ang aking kabataan ay bahagyang hinubog din ng mga palabas sa TV na napapanood ko noon. May mga nakatulong, may mga hindi. At narito at aking babalik-tanawan ang mga programang nakatulong sa aking pagiging tao, reklamador, at nagbukas ng aking isip sa diskriminasyon, pagiging patas, kahayupan, kabaklaan at iba pa.
Bata pa ako nung una kaming nagkaroon ng telebisyon. Isang malaking kahon na may mga phitan, pindutan at paminsan-minsan ay nawawalan pa ng tokis (talkies – asawa ng movies). Sharp ang marka nun, may dalawang pihitan, yung isa para sa ordinaryong channel, yung isa, tumutunog lang kapag pinipihit. Rakatakatak.. rakataktak.. “Ano ba yan! Magpirmi ka nga sa isang channel!” sigaw ng aking mama. Buti na lang naimbento ang remote. Meron pa ngang pihitan dati yun para sa “fine tuning” at maganda ring kinakalikot kapag wala akong magawa. Pero ang lahat ng ito, nagagawa ko lang dahil yung TV namin nun, ME PINTO!
Pero kapag nabuksan ko na ang pinto, at handa na ang magulang kong magbayad ng karagdagang kuryente, kasabay ng pagbukas ng pinto ang pagbukas ng aking isip para tanggapin ang biyaya ng karunungan mula sa mahiwagang kahon na ito.
Ang isa sa pinakamalaking impluwensya ko ay ang programa ni Jim Henson na Sesame Street. Dito ko nakita ang kahalagaan ng “co-operation” o pakikipag-plastikan, este, pagtutulungan pala. Dito ako nakakita ng mundo na maaring magsama-sama sa iisang lugar ang puti, asiano, itim, mehikano at halimaw.Noon pa lang ay hinangaan ko na si Jim Henson sa pagdala at paggawa ng isa sa mga pinaka “politically correct” na programa sa telebisyon. Pinilit nyang bigyan ng representative ang bawat grupo ng tao. Ang mga nagpamulat sakin ay ang pag-awit ni kermit, na isang palaka ng kantang “It ain’t easy being green.”
““It’s Not Easy Bein’ Green” (lyrics by Joe Rapposo)
It’s not that easy bein’ green;
Having to spend each day the color of the leaves.
When I think it could be nicer being red, or yellow or gold-
or something much more colorful like that.
It’s not easy bein’ green.
It seems you blend in with so many other ordinary things.
And people tend to pass you over ’cause you’re not standing out like flashy sparkles in the water- or stars in the sky.
But green’s the color of Spring.
And green can be cool and friendly-like.
And green can be big like an ocean, or important like a mountain, or tall like a tree.
When green is all there is to be
It could make you wonder why, but why wonder why? Wonder,
I am green and it’ll do fine, it’s beautiful!
And I think it’s what I want to be.“
Dito ko nakita ang epekto ng paano ka hinuhusgahan sa kulay ng iyong balat. Masakit pala yun.
Sa sesame street ko rin nakilala si Ernie at Bert, ang unang lantad na mag-asawang bakla sa telebisyon. Paano mo maipapaliwanag ang dalawang lalake, yung isa mahilig sa kalapati, na nagsasama sa iisang bahay. Talagang ang galing ni Jim Henson!
Isa pa sa madalas ko pinapanood noon ay yung “kakompetensya” ng sesme, yung Electric company. Maganda-ganda rin, pero fan talaga ako ng sesame eh. Kaya sori na lang sila.
Kasabay ng panonood ko ng mga manikang nagsasalita ay yun ding Student Canteen kapag tanghali, sina Coney Reyes, Eddie Ilarde at Bobby Ledesma ata yun, ang mga host. Ang paborito ko dun ay yung quiz nila kung saan naghari ang kaapelyido kong si Ramon Lorenzo. Isa pang quiz show nun ay yung kay Bb. Imee Marcos, yung panitikan/patinikan. Ang gagaling ng mga kasi dun at andami kong natututunan. Kaya lang, nakasabay nun sa time-slot yung voltes-V kaya medyo nagapalipat-lipat ako ng channel nun, na lubos namang ikinagagalit ng aking mama. Na ikinagagalit nga nya.
Marami ring mga pelikulang tagalog ang nakatulong sa aking paglaki. Si Golyat, ang dambuhalang agila, dun ko unang nakita si FPJ na hindi naka-longsleeves. Yung taong putik, yung taong TUKO! Sa mga yun, natutunan ko na ang kasamaan ay kailanman hindi magwawagi laban sa kabutihan, kahit higante ka pa!
Mahilig ako.. sa Science fiction. At marami ring mga science fiction na palabas ang meron noon. Fraggle Rock ay tungkol sa isang lahi ng mga nilalang na tila hugis daga pero marunong magsalita. Para silang mga nagsasalitang daga kapag tinignan mo dahil sila nga ay mga nagsasalitang daga. Idolo ko ang Lolo nung bida dun kasi yun, lumabas sa lungga nila at nakatakas dun sa asong nakapwesto sa tapat ng kanilang lagusan. Ratchet ang pangalan nung aso. Bawat linggo ay sumusulat ang lolo nya o nagpapadala ng postcard at itinataya ng bida ang buhay nya para makuha at mabasa ito. Dito ko natutunan na ang postcard pala, ay pwede rin sulatan sa likod. Mayron silang mga kasama sa lungga na parang maliliit na construction workers na gumagawa ng mga parang gusaling salamin na siyang kinakain ng mga fraggles. Nakakatuwa dahil ang kinakain nila ay parang mga gusaling salamin na ginagawa ng maliliit na tila construction workers. Meron pa silang kinokonsultang parang “Oracle of Wisdom” dun na kung tawagin ay “Trash Heep” na ni minsan naman ay hindi ko nakitang nakatulong sa kanila. Ang paborito kong episode ng fraggle rock ay yung kay convincing dave. Ganda nun! Sa fraggle rock ko natutunan na ang bawat lahi, at nilalang sa mundo, ay may kaniya-kaniyang silbi at ang isa ay mahihirapan kapag nawala ang isa pa. Tulad ng sesame street, dito ko rin nakita kung paano hinuhusgahanminsan ang tao sa kanyang kulay, anyo, laki, liit, amoy atbp.
Ewan ko lang kung meron pang ibang nanonood noon nun The Great Space Coaster. Yung me tatlong magkakaibigan na isinasakay sa isang roller coaster at dinadala sa isang lugar ni Baxter (isang parang elepanteng hindi maintidihan ang itsura) kung saan andon sila Knock-knock bird at iba pang mga karakter tulad ni Gorriddle Gorilla, Gary Gnu, MT PRomises at iba pa. Sa programang ito ko nalaman na meron palang hayop na kung tawagin ay Gnu. Ilang beses ko rin nagamit sa scrabble ang salitang gnu at nananalo sa pagtatalo.
At syempre ah hindi maaring hindi ko mabanggit ang Batibot. Sila pong, kiko, manang bola at iba pa. Dito maraming pilipino ang natutong magbasa, magbilang at manggaya ng dayuhan. Pero sa pagkakaalam ko sponsored ng producers ng sesame street ang batibot. Medyo me edad na ako nang ilabas ang batibot kayat ang pulitika na lang ng pag-bawi kay Pong pagong, ang paglipat ng batibot sa SESAME (isa pang palabas). Meron pang isa pang palabas nun, yung PINPIN, isang pinaghalong kultura ng Intsik at Pinoy ang tema. Kultura, edukasyon at kagandahan asal ang tema ng mga palabas na yun. Isa sa hindi ko makakalimutang episode ng batibot ay yung… ano na nga ba yun?
Sa aking pagbibinata naman ay mga dayuhang palabas ang bumuo ng aking gabi. The huxtables, Charles’ in Charge, Facts of Life, Perfect Strangers, Battlestar Galactica, Transformers, Highwayman, Starman, Knight Rider (YEAH!), at maraaaaaami pang ibang programa ang nagpakita sakin ng isang silip sa kultura ng kanluran. Ang mga programang ito ay pinanood ko upang masilipan ang kanilang kultura dahil hatid ng mga programang ito ay isang silip sa kultura ng kanilang bayan.
Ang pinaka, sa lahat ng pinaka gusto kong pinapanood noon ay ang…. dyan-dyararaaaaaan! Star Rangers! Hindi Shaider dahil pinapanood ko lang yun para abangang mag-tumbling si Anie
.
Ang star rangers para sa akin ang pinaka-orig na sentai! At wala nang iba. Si Red Ranger at ang kanyang latigo, si Blue Ranger at ang kanyang Pana, si Yellow Ranger at ang kanyang radyo, si Pink Ranger at ang kanyang mga granadang hikaw, at si Green Ranger at ang kanyang Boomerang. ASTIIIIG! Star 1 hanggang Star 5!
bakit ito ang pinaka-astig sakin? kasi lima kaming magpipinsan nun at star rangers ang aming laro. Ang kalaban? mga puno ng saging na aming binabanatan hanggang matumba! HAH! At yan ay isa pa sa mga natutunan ko sa telebisyon, ang pakikipagtulungan para ipaglaban ang kapayapaan, hustisya, katarungan at makulay na kadamitan!
GO RANGERS!
Hanep parang Xerex ang dating ng blog
wahehe… may age gap na po pala tayo sa part na ito. ang hero ko ay si Robert Hakizuki (Masked Rider Black)!!! and we play MaskMan. At dati, akala ko babae si Ida, kaya pag naglalaro kami ng Shaider-shaideran, ako si Ida @_@….
AHA! Kaya siguro ikaw si Ida, akala mo din babae ka?
Naranasa ko rin manood ng shaider (pero para lang matyagan bawat gulong at sipa ni Annie habang naka-cowgirl suit) maskman, bioman, ultraman (nakakatuwa ito, sya lang ang nalo-lobatt!), at marami pang iba. Per iba kasi ang dating nung mga dating palabas. May mga anggulo silang sensitibo sa pulitika at kulturang namamayani sa panahon nila. Sa mga anime naman, ang all-time peborit ko ay si Kenshin “Shinta” Himura, ang batusai. Napakalalim ng istoryang bumabalot dito. Lahat ng maliliit na detalye ay sadyang inilagay, mula sa dalawang pilat nya sa pisngi, sa dahilan ng pagiging baliktad ng talim ng kanyang katana at ang uri at igting ng pag-ibig sa kanya ni kaori. pati ang status ng pulitika at pamahalaan sa Japan noong panahon na iyon ay kasama sa istorya. grabe. Kaya nga hanggang ngayon wala pang anime na dumarating na sa tingin ko hihigit pa kay kenshin.
Kung sino ka man Miaka, kasama mo man si Tamahome ngayon o hindi, gusto kong ipaabot sayo ang isang-milyon at isang pasasalamat sa mga comment na binigay mo sa aking blogs. Para sakin, ang comment ay isang maliit na kurot ng iyong puro at isipan at dahil sa pagbigay mo ng parteng ito, ako ay labis na natutuwa at sana, magkasundo na kayo ni Yui Hongo.
the heck! i’m yui hongo! who’s that freaking miaka gurl??!!