Chapter Seven – Toys
“I love you.. you love me.. were best friends as friends can be. With a great big hug and a kiss from me to you.. won’t you say you looooooove meeeeeee toooooo…” gusto ko na talagang sakalin si Barney kagabi, pramis! Kaya lang, yung laruang Barney na niregalo sa isa sa mga anak ko, kapag sinakal ko, kakanta ulet! Peste! Nakakatuwa na nakakainis ang mga laruan ngayon, hindi tulad nung panaho namin…
Mighty Morphin, Dino Tuhnder, Ninja Storm, SPD, ngayon naman.. Mystic Force. Kelan kaya mauubos mga power rangers na yan? Kapag naiisip ko, napakaswerte ng mga kabataan ngayon. Andami na nilang tagapagtanggol. Si Shaider, Zaido, Captain barbel, Darna etc… ang Justice League, si Batman, The Batman, Sipderman andami! At ang mga laruan nila ngayon, grabe…. remote control na kotse na sumusunod sa bawat utos. Baril-barilan. Robot. Play Station1, Play Station2, PSP at PSP Slim pa.
Hindi mo maiwasan minsan mag-isip kung saan sila dadamputin sa kinabukasan. At di ko rin maiwasan ihambing ang mga laro at laruan namin noon.
Taguan
Paano Laruin:
napakasimple. May isang TAYA na pipikit at ididiin ang mukha nya sa puno, pader o kahit anong bagay na hindi nya pwedeng bitbitin na tatawaging homebase. Mag-oorasyon.. “pwera sa likod… pwera sa lahat… pagbilang ng sampu nakatago nang lahat…” at magsisimula nang magbilang habang ang lahat ng kasali ay magtatakbuhan at maghahanap ng kani-kaniyang taguan.
Kapag may nakitang kasali ang Taya, sisigaw siya ng “Pung! Syete pares, all-up! Todas!” ay mali.. “Pung!” at ang pangalan ng nakita nya. Sa hudyat na sigaw na ito at maguunahan silang tumakbo pabalik sa base at kapag ang taya ang nauna, kung sino man ang nahuli nya ay siyang magiging taya sa kasunod na round. Ang pag-asa lang ng nakitang manlalaro ay siya ang maunang makatapik sa base para hindi sya maging taya.
Style ko:Nung minsan, tinatamad na talaga ako, pagsimulang magbilang ng taya, umuwi ako at natulog sa kwarto ko. Nagalit sila, antagal pala nila naghanap.
Patintero
Paano laruin:
Maraming bersyon ang larong ito. Tatlo ang pinaka-kaunting pwedeng sumali. Maaring tayain ng taya ng kahit sinong maabot nya nang hindi umaalis ang pagkatatapak nya sa isang guhit sa lupa. Takbuhang umaatikabo rin ito. Kung marami ang kasali, guguhit na ng apat hanggang walong parisukat na magkakadikit. Bawat guhit ay may isang taya, sa gitna at pinakamahabang guhit ang tinatawag na patotot at sa labas na guhit ang mga paniki. Kapag mayrong isang myembro na nakatawid mula base hanggang dulo at nakabalik sa base, iskor.
Style ko:
May dala ako ng pamalo. Twing may lalapit para tayain ako, aambaan ko ng palo at matiwasay akong nakakatawid.
Tumbang Preso
Paano Laruin:
May isang taya na magbabantay ng isang lata na nasa likod ng isang bilog. Ang lahat ng hindi taya, nasa likod ng isang guhit o homebase. Lahat ng wala sa homebase ay pwedeng maging taya KUNG nakatayo ng lata. babatuhin ng tsinelas ng mga hindi taya ang lata para tumumba. Kapag nakatumba, malaya ang lahat ng damputin muli ang kani-kanilang tsinelas.
Style ko:
Yung taya ang binabato ko ng tsinelas habang sisipain ng ibang hindi taya yung lata. kapag ako ang nakalapit sa lata, dadamputin ko at itatapon ito sa malayo.
Moro-Moro
Minsan pulis-pulisan ang tawag dito. May dalawang homebase, bihagan ang laban hanggang maubos ang kalaban. Kung ikaw ang unang lumabas ng base, ikaw ang hahabulin. Ubusan ng lahi ito.
Style ko:
Suntukan na lang!
Ilan lang ito sa mga larong natatandaan ko ngayon. Bukod pa rito ang bahay-bahayan, nanay-nanay o tatay-tatay kung saan nagpapanggap ang lalaki bilang tatay na gradweyt ng 4 year course pero ang trabaho ay bantay lang ng computer shop habang ang nanay ay undergrad na nagtatrabaho sa isang call center at ang kanyang sweldo ang bumubuhay sa kanila. Meron pa rin dating laro na “Si nena ay sanggol pa.. kaya ang sabi nya ay ganito..” naalala mo pa ba yun? Hindi ako naglalaro nun, pang-bading yun eh.
Kung may mapapansin ka, karamihan sa mga laro namin noon, ang mga props ay napupulot sa basurahan o kaya ay iguguhit lang sa lupa. Halos lahat ng laro noon ay may kahalong takbuhan, teamwork, at sangkatutak na pawis. Marami ding dayaan, kampihan, tulungan at iba pang mga bagay na kailangan mong matutunan upang umunlad. At ang laro noon, isa lang ang tunay na layunin, burutin ang taya!
Kaya’t heto ako at nagpapahayag ng pagkabahala. Kulang na sa pisikal na laro ang mga kabataan ngayon. Kundi nakatapat sa TV at nagpipipindot ng kung ano-ano, ay nasa sala lang at hawak ang remote control na kotse. Puchat ang kotse ko nun me tali at hinihila ko. Pag gusto ko mabagal… lakad… pag gusto ko matulin… TAKBOOOOOO!
Ilan pa kaya sa mga kabataan ngayon ang marunong magtiklop ng papel para gumawa ng eroplano? Saranggola? Bangkang papel….
isa pa sa mapapansin mo sa mga laro namin noon ay ang kababuyan at pagkawalang interes sa kalusugan. Tatakbo ng nakatapak, pag nasugatan, takbo lang ulit! Pag nauhaw, iinom sa hose! Ngayon puro mineral water na nilalaklak ng mga bata. Kneepads? Ano yun? Pang-mayaman lang yun! Ano proteksyon ko sa tuhod ko noon? Ano pa eh di ang balat ko! Helmet? Pampabigat lang kaya ng ulo yun! Matigas daw ulo ko sabi ng nanay ko, pwede na yun! Pag umulan, batuhan ng putik! Tapos pag baha, may dala akong payong at gagayahin ko ang paborito kong Samurai nun, si Shintaro. Ididikit ko ang payong sa ulo ko at magwawaring ito ay sumbrero ng samurai, dahan dahan akong uupo sa baha hanggang ang payong na lang ang kita at may kaunting pagitan lamang ang payong at tubig para makakita ako… tago buong katawan… halos hanggang ilong… sa BAHA! NINJA!!!!!!
Tignan natin kung saan tayo nakarating, mga myembro ng aking henerasyon… at saan makakarating ang bagong henerasyon ngayon ng kabataan. At ikumpara. Sino kaya ang mas malayo ang mararating?
Sa tingin mo?
Pre nalimutan mo ung langit lupa tsaka ung dr. quack quack! hahaha!
isa lang masasabi ko: korekness, parekoy! at isa pa, masyadong magastos ang mga laruan ngayon. tulad nung pasko, ang regalo ko sa panganay ko ZOIDS na tig-isang libo, papakahirap ka pang buuin yon tapos lalagyan ng battery para lumakad. buti na lang pumayag na ganun lang ang toy nya, ang hinihirit kc ung Nintendo DS Lite, ung tig-sampung libo?! at ung puti pa daw ha. hayz!
samantalang ang laruan namin noong bata pa kami, lalagyan ng polbo (johnsons) na malaki tapos bubutasin sa magkabilang tabi, lalagyan ng tansan para gulong then tatalian ng pisi, o diba koche-kochehan na! o kaya naman ung lata ng alpine evap, bubutasin sa pwet, susuutan ng pisi at tatalian ng pako sa dulo, instant 2-way radio na! naiapply mo pa law of electricity and magnetism don! hehehe…
Waw, this one is really nice. yep, i agree… (nagsalita ako, samantalang ang gastos gastos ko sa mahal kong psp, wehehehe) anyways, masaya ako kasi kahit papano, naranasan ko din ang mga larong yan nung kabataan ko. ang isang point na naisip ko (well i really was planning to write something like this, pero iba ang ikinababahala ko)… ung creativity ng mga bata. yep, sobrang inclined na sa technology ang mga bata ngaun and napapanin ko na nageexcel ang mga artist ng cg (computer graphics). naalala ko ito sa anime na Honey and Clover, sa episode where Morita Shinobu (a gifted artist, weird nga lang, madaming sideline) nanalo xa ng “Academy Award” for making a CG film. pero di pa nya tapos ung graduation piece nya na hinihintay ng teacher nya na naniniwala sa creativity nya. aun, when he came back to tokyo, he was giving the gold trophy to his master, and the master said that he doesnt want the trophy because that is art made by technoogy (something like that). ung art na hinihintay nung master kasi is ung art na galing sa skills nya. (ang makulit nga lang, Morita is so gifted kaya un, ungtrphy pla is made of 24karat *(ata) gold na inukit nya ung mukha nya dun and un ung graduation piece nya. (hmm.. im just stressing n ung creativity ung pwedeng ring magsuffer, kasi tayo nun, kung anung meron tau, un ung nagagawa naten na toys naten. ganun tau kayagit sa toys, pero kayaman sa resourcefulness. ^_^
@ Miaka
resourceful tayo kc wala tayong magagawa e hehehe! but you got that right, resourcefulness is the word
@Miaka,
Ang gaganda ng comments mo inday! Mahal na kita. haha!
Ako din ay nababahala na sa takbo ng buhay ng ating mga kabataan ngayon. Hindi na sila masyadong nag eehersisyo.. ang pinakaaktibong masel sa kanila ang mga sa hinlalaki nila sa pagpindot ng joystik. Mamaya, pag sinipag ako, magblog ako ng iba pang mga laro ng kabataan ko.. matindi yun!
sipagin ka na sana